Pagpapaliban ng halalan sa 2022 unconstitutional ayon sa Comelec

Nanindigan ang Commision on Election na magiging unconstitutional kung ipagpapaliban sa 2025 ang 2022 Elections.

Ito ang naging reaksiyon ni Comelec Spokesman James Jimenez kasunod ng isinumiteng petisyon ng grupong Coalition for Life and Democracy para sa postponement ng May 2022 polls.

Read More:  Poa declines to confirm Ramil Madriaga as defense star witness

Ayon kay Jimenez walang ganitong kapangyarihan ang kanilang ahensiya.

Paliwanag pa ng opisyal pwede mag suspend ng halalan ang Comelec subalit sa maiksing panahon lamang at sa kondisyong naku-kumpromiso ang malaya at patas na eleksiyon.

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Naniniwala naman si Jimenez na hindi uusad ang naturang petisyon at tuluyan itong maibabasura dahil sa kawalan ng merito.