Ms. India nasungkit ang Miss Universe crown, Ms. Philippines hangang Top 5 lang

Bigo si Ms. Philippines Beatrice Luigi Gomez na maiuwi ang korona sa Ms. Universe Pageant 2021 na idinaos bansang Israel.

Nagkasya lamang sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas at hindi na nakapasok sa Top 3.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Pinagpilian naman ang mga kandidato mula sa South Africa, India at Paraguay sa Final 3.

Sa huli hinirang bilang Miss Universe si Ms India Harnaaz Sandhu habang 1st runner-up si Ms. Paraguay Nadia Ferreira at 2nd runner-up si Ms. South Africa Lalela Lali Mswane.

Read More:  Max Collins, Pancho Magno stay hands-on in co-parenting son Skye

Sa kabila nito bumuhos pa rin ang suporta at congratulatory messages para kay Ms. Philippines mula sa mga pinoy fans.

Magugunitang huling nasungkit ng Pilipinas ang Miss Universe crown noong 2018 sa katauhan ni Catriona Gray.