Duque umalma sa mga patutsada ni Locsin kaugnay sa COVID-19 syringes

Umalma si Health Sec. Francisco Duque III sa naging paratang ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na mayroon umanong nagpabaya dahilan upang hindi makuha ang 50-million syringes.

Ayon kay Duque walang katotohanan ang pinagsasabi ni Locsin.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Paliwanag ng Health Secretary ang gustong mangyari ni Locsin ay sumunod sila sa presyong gusto ng supplier ng hiringgilya kahit na mas mataas ito kesa approved budget contract.

Hindi man lang siya umano tinawagan ni Locsin para tanungin kaugnay sa isyu.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Sinabi ni Duque na tweet ng tweet si Locsin gayung bukas naman ang kanilang komunikasyon para malinawan ang lahat lalo’t pareho silang nasa administrasyon.

Inihayag ni Duque na pag-uusapan nila ni Pang. Rodrigo Duterte ang isyu sa hiringgilya.