Pinasusumite ng gobyerno ang maker ng China’s Sinovac ng updated na datos para sa kanilang aplikasyon ng emergency use authorization ng kanilang COVID-19 vaccine, para sa mga batang may edad na tatlo hanggang 11-taong gulang.
Ayon kay Food and Drug Administration Chief Eric Domingo, masyado kasing maliit ang sample size na kanilang isinumite.
Matatandaan na noong Hulyo, nag-aplay ang Chinese company para sa amendment ng kanilang emergency use authorization para mapalawig ang coverage ng CoronaVac para sa mga batang may edad 3-17-taong gulang.

Mababatid na ang naturang bakuna ay ginagamit para sa 18-59 age bracket.
Batay sa Chinese embassy sa Manila, ang CoronaVac ay 98.9 percent na epektibo sa pag-produce ng antibodies, at may mataas na efficacy para sa populasyon na mahigit 18-taong gulang. //MHEL PACIA-TRINIDAD