Isa, patay sa landslide sa Bataan; Pinsala sa agrikultura ng pagbaha sa Ifugao, sumipa na sa P48M

Kinumpirma ng Bataan PDRRMO ang pagkamatay ng isang indibidwal matapos ang naganap na landslide sa bayan ng Abucay.

Hinggil pa rin ito sa naranasang pag-ulan at flashfloods sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa pag-iral ng Habagat.

Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Banaue Mayor Joel Bugallon na aabot na sa higit 500 ektarya ang winasak ng mga pagbaha sa kanilang bayan.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Tinatayang aabot umano sa P48M ang halaga ng pinsala nito sa agrikultura.

Nanawagan na rin ang Alkalde ng tulong na maaring ipadala sa kanila matapos maapektuhan ang higit sa 1,000 pamilya dahil sa pagbaha.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy pa rin ang tulong na ipinapaabot ng DSWD at ng Angat Buhay NGO sa mga naapektuhan ng sakunang ito sa Ifugao at sa Bataan.

Ipinaabot na rin ang bural assistance at cash aid sa isang casualty sa Abucay.
#