DILG Albay, nagsagawa ng ilang aktibidad sa lalawigan kasunod ng pagdiriwang ng IDADAIT 2024

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng ilang mga aktibidad ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Albay kasunod ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2024 sa lalawigan, kung saan ito ay may temang “The evidence is clear: Invest in Prevention.”

Kabilang sa mga kalahok ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) Advocacy Cluster members, Provincial Peace and Order Council (PPOC), LYDOs, LYDC members, Out-of-School Youth (OSY), at ilang Youth Organizations.

Binigyang-diin sa nasabing aktibidad ang malalim na pag-unawa sa panlipunan, pang-ekonomiya, at kalusugan na implikasyon ng pag-abuso sa droga. Tinalakay sa nasabing aktibidad ang kasalukuyang drug situation ng lalawigan, Revitalized Police sa Barangay (R-PSB) ng mga kinatawan ng PDEA at PNP, Usapang BIDA ng mga Kabataan workshop, at self-care and Personal Development Sessions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *