Pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at iba pang mga estado, natalakay sa courtesy call ni BBM sa 4 na diplomats

Naging matagumpay ang isinagawang courtesy call ng apat na mga diplomats kay President-elect Bongbong Marcos ngayong araw.

Kabilang sa mga nakausap ni Marcos ay sina Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho, European Union Ambassador to the Philippines Luc Vèron, France Ambassador to the Philippines Michelle Boccoz, at British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.

Read More:  Ejercito urges PhilHealth to use returned P60 billion for healthcare services

Ayon Singaporean envoy, umaasa sila na lalago pa ang relasyon ng Singapore at Pilipinas – kapwa mga co-founders ng ASEAN.

Umaasa rin si Ho na magkakaroon ng mas maraming economic reforms sa bansa.

Hindi pa naman natiyak nito hinggil sa imbitasyon ng Singapore kay Marcos para sa isang opisyal na state visit.

Read More:  Camp of former President Duterte continues preparations for ICC trial

Sinabi naman ng UK diplomat na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng maritime support sa Pilipinas.

Kabilang na rin dito ang pagsasagawa ng mga joint maritime exercises.

Naka-usap din ni Marcos ang diplomats ng EU at France ngunit hindi na ito nagpaunlak pa ng media interview.
#