Pagpapakilala sa Arte at Kultura ng Bicol, ibinida Fiesta Haraya 2023 Philippine Creative Industries Festival

NAGA CITY- Bitbit ang malaking kumpiyensa, makukulay at makahulugang mga obra, masayang dinaluhan ng Naga City Arts and Culture Coalition (NCACC) bilang representate ng Bicol ang Fiesta Haraya 2023 Philippine Creative Industries Festival sa One Ayala, Makati City.

Isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Victor Dennis Nierva, NCACC President na lubos siyang nagagalak na maipakita ang arte at kultura hindi lang ng Naga City kun’di ng Bicol sa buong Pilipinas dahil naniniwala siya na sa pamamagitan nito, nalalaman ng karamihan kung ano ang mayroon sa isang lugar.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City
Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Dagdag pa ni Nierva, ang arte at kultura ay minsan na ring nagiging daan upang iparating sa pamahalaan ang tunay na nangyayari sa lipunan. Labis ang pasasalamat ni Nierva sa Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Sur na siyang nag-imbita sa kanila upang makasali sa nasabing festival.