Mga sistemang natutuhan sa COVID-19 mas maganda kung iimplementa na ng LGU kasunod ng pagtala ng mga kaso ng sakit- DOH CamSur

CAMARINES SUR- Mas maganda kung iiimplementa na ang mga sistema na natutuhan sa COVID-19 pandemic tulad ng pag fi-facemask sa matataong lugar.

Ito ang mungkahi ni Department of Health Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena kasunod ng pagtatala nanaman ng mga kaso ng  naturang sakit.  Sa record ng DOH 1,821  ang fresh cases sa bansa mula Dec. 5 hanggang Dec. 11.  Ang Camarines Sur ay mayroong 9 na kaso.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Idinagdag pa nito na dapat napapagtibay din ang implementasyon ng Universal Health Care Law, mas mainam aniya kung mayroong trained na Epidemiologist ang mga surveillance unit. Kung may sistema na aniyang susundan hindi papalit-palit ang hakbang at hindi na maghihintayan ang susunod na aksyon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod