Pagpapakawala ng higit milyong toneladang tubig ng Fukushima Nuclear Powerplant, kinondena ng Tsina

KINONDENA ng Tsina ang kontrobersyal na pagpapakawala ng higit milyong toneladang tubig mula sa Fukushima Nuclear Powerplant ng Japan patungo sa Pacific Ocean nitong Huwebes, Agosto 24.

Ayon sa Bureau Customs, pangamba ng Tsina ang mataas na posibilidad na pagdala ng radioactive na kontaminasyon nito sa mga aquatic na produkto ng Japan, dahil isa ang Tsina sa mga may malaking bahagdan na bumibili ng mga ito.

Samantala, nilinaw naman ng Japan na ligtas ang tubig at walang negatibong implikasyon sa kalusugan maging sa kalikasan.  

Sinegundahan ito ng International Atomic Energy Agency ng United Nations na sumusunod sa international standards ang Japan at walang nakaambang masamang epekto.

Nangako naman ang awtoridad na patuloy nilang imo-monitor ang lebel ng radiation sa karagatan para masiguro na ito ay ligtas sa publiko.### Johnoah Mae A. Zepeda, Intern