Pagpapaigting ng sex education sa bansa, panawagan ng senador sa gitna ng pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy

Inamin ni Senador Win Gatchalian na tunay siyang nababahala sa long-term effect ng pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Ito ay matapos banggitin ng Commission on Population and Development (CPD) na maituturing na gold medalist ang Pilipinas pagdating sa pagkakaroon ng pinakamaraming kaso ng teenage pregnancy pagkatapos ng pandemya.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Alinsunod nito, marapat lang umanong marebyu at mapaigting ang sex education sa bansa.

Ayon sa senador, sa pamamagitan nito ay magiging bukas ang mga bata sa posibleng maranasan nila mula sa maagang pagbubuntis.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Samantala, hinikayat din niya ang mga magulang na tutukan at turuan ang kanilang anak tungkol dito upang maiwasan ang intergenerational poverty.