Iranian president, foreign minister – patay sa chopper crash

Patay na ang lahat ng pasahero ng chopper na sinasakyan ni Iranian President Ebrahim Raisi at ng ilan sa kaniyang mga ministers.

Ito nga ay makaraang mag-crash ang kanilang helicopter.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Sa ulat ng Iranian officials – wala na silang nakikitang ‘sign of life’ sa insidente.

Sunug-na-sunog din ang chopper.

Matatandaaang maliban sa pangulo ng Iran – sakay din nito ang isang foreign minister, governor, at ilan pang mga opisyal at security.

Read More:  Trump administration revokes over 300,000 US visas amid immigration crackdown

Ang First Vice President na si Mohammad Mokhber ang next in line para sa succession.