Pagpapabuti sa Education System, babaunin ni Sen. Sonny Angara sa DepEd – kamara

Nagpa-abot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez kay Senador Sonny Angara matapos italaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Education.

Ayon kay Romualdez, mahusay ang pagkakapili kay Angara bunsod ng kanyang malawak na karanasan, dedikasyon at huwarang serbisyo publiko.

Sa kabuuan ng karera ay ipinamalas aniya ni Angara ang commitment na palalakasin ang sistema ng edukasyon at itinaguyod ang kapakanan at karapatan ng mga guro at mag-aaral.

Read More:  More than 100 areas in the Philippines placed under state of calamity due to El Niño

Paliwanag ng House Speaker, taglay ni Angara ang kinakailangang expertise o kaalaman para pangunahan ang DepEd lalo’t mayroon siyang kahanga-hangang background at trabaho sa lehislatura pati na ang education policy achievements.

Read More:  More than 100 areas in the Philippines placed under state of calamity due to El Niño

Buo umano ang suporta ng Kamara sa senador sa panibagong yugto at handang makipagtulungan upang makamtan ang adhikain na bawat kabataang Pilipino ay may access sa de kalidad na edukasyon.

Kumpiyansa naman si Romualdez na sa ilalim ng pamumuno ni Angara ay maraming mapagtatagumpayan tungo sa pagpapaangat ng sistema ng edukasyon sa bansa.