LEGAZPI CITY – Humigit-kumulang isang daan ang mga naitalang bagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa buong lalawigan ng Albay ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.
Sa pinakahuling tala ng ahensiya, 199 ang mga dagdag na recoveries mula sa sakit ang nairehistro sa lalawigan.
Sa kaparehong tala, 29 naman ang mga bagong kaso ng sakit ang naidagdag sa lalawigan – pinakamataas kumpara sa iba pang mga lalawigan.
Samantala, sa kabila man ng pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa Albay, tinutuloy-tuloy pa rin ang pagpapalakas ng bakunahan sa iba’t ibang sulok ng lalawigan, partikular sa lunsod ng Legazpi.
Batay sa pinakahuling impormasyon mula sa City Government of Legazpi, gaganapin ang pagbabakun sa LCCC lobby, CHO Conference Room, Albay at Legazpi Public Market, at ilang elementary schools at malls sa nabanggit na lunsod.
Pinapaalalahanan pa rin ngayon ng ahensya at ng LGUs sa lalawigan na patuloy na mag-ingat sa mga bantang dala ng sakit kahit pa marami ang mga gumagaling.