Pagpapabilang ng Bulkang Mayon ng Albay sa listahan ng UNESCO World Heritage Site, patuloy na pinoproseso

LEGAZPI CITY – Patuloy na pinoproseso ang pagpapabilang ng Bulkang Mayon ng Albay sa listahan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage site.

Ito ay ayon kay Department of Tourism Bicol Regional Director Herbie Aguas kung saan sila ay nakikiisa sa mga aspeto sa mga kailangang isagawa at talimahin upang pormal na itong madeklara gaya na lamang sa mga inilatag na basehan na dapat magaganda ang documentation tungkol sa bulkan, kung ano ang ginagawa na akibidad rito at kung pano nakakatulong sa pagmumuhay ng mga residente sa lugar dagdag pa kung papaano ito pinoprotektahan.

Umaasa naman ang ahensya na mapansin na ang kanilang pag apply sa UNESCO dahil sa kasalukuyan ang nagpapanominate pa lamang an  Bulkan.

Samantala, marami namang mga lokal na pamahalaan at ibang opisina sa probinsya ang nagsasagawa ng kani-kanilang hakbang upang makatulong tulad na lamang ng bayan ng Daraga at Camalig na nagkaisa at bumuo pa ng Daraga-Camalig Technical Working group upang ito ay matutukan kasama na rin ang National Musem of the Philippines Bicol at Diocese of Legazpi.

Matatandaan bamang makailang-beses nang sumubok ang gobyerno-probinsyal ng Albay na magsumite ng nomination dossier para sa Bulkan at ngayong taon ay nagsagawa ng expert consultation patungkol rito upang mas mapalakas ang posibilidad na sa wakas ay mapasama na ito sa naturang listahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *