Napuno ng tensiyon ang Port-Au-Prince airport matapos na nagalit ang mga migrants na ipinatapon ng US sa Haiti.
Sinubukang bumalik sa eroplano ng mga migrants na tumangging bumalik sa kanilang bansa.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay sinimulan na ng US ang pagde-deport sa mga migrants mula sa Texas border.
Ayon sa report, nasa 13,000 would-be immigrants ang nagtipon-tipon sa ilalim ng tulay na nagdudugtong sa Del Rio Texas at Ciudad acuña sa Mexico.
Base sa pahayag ng ilang galit na migrants, hindi nasabihan ang mga ito na sila ay babalik sa Haiti.
Ikinagalit din umano ng marami sa kanila ang ginawang pagtatapon palabas ng eroplano ng kanilang mga personal na gamit. Napag-alaman na isang piloto at tatlong US immigration officer ang nasaktan dahil sa galit ng mga deportee.