Pagnanais ng DTI na ipatigil ang pagbebenta ng lato-lato, pinaburan

NAGA CITY- Gusto nang ipagbawal ng Department of Trade and Industry (DTI)  ang  ang pagbebenta ng laruang lato-lato dahil hindi raw sigurado kung ligtas ang mga materyal na ginagamit sa paggawa nito.

Ito ay ayon kay Usec. Atty.  Ruth Castelo matapos na sabihin ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala itong kaukulang sertipiko; hindi nasuri ng FDA ang ginamit sa plastic formulation kung may hazardous content.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa sentro ng Naga kaliwa’t-kanan ang nagtitinda nito, naririnig kahit saan. Kasama sa mga nagbebenta sa sidewalks ang mga negosyanteng muslim. Ayon kay Muslim Affairs Office Head Mike Mustapha sa tingin niya ay hindi naman gaanong maapektukan ang kabuhayan, may iba pa namang itinitinda.

Tatalima sila kung ipagbabawal ito dahil may mga nasasaktan din kung hindi naman marunog maglaro, pero hiling nito tutukan ang malalaking suppliers upang wala nang mabili ang mga retailers.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Pero ayon sa isang vendor, malaking tulong sana dahil dagdag kita pero tatalima rin sila kung ippasunod ng pamahalaan.

Sinabi rin ng DTI na dapat matukoy ang mga importers ng clackers.