Pagmamatyag ng publiko sa mga may boga dapat paigtingin lalo sa mga malalayong barangay- PNP Camarines Sur

NAGA CITY- Tatlo na ang nasugatan dahil sa improvised na canon o boga kung tawagin sa Bicol Region bago pa man pumasok ang Bagong Taong 2023.

Kaya naman sinabi ng Camarines Sur Police Provincial Office na dapat na maging mas mapagmatyag ang publiko at mga opisyal ng barangay sa mga may boga lalo na mga bata dahil tulad ng mga paputok na mataas ang content ng pulbura, delikado rin ito gawa man sa PVC, kawayan o lata.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Maria Victoria Abalaing , taga pagsalita ng CSPPO, sinabi nitong pinaiigting nila ang information dissemination na mga paingay na lamang ang gamitin tulad ng nais ng Department of Health (DOH) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pero hindi aniya lahat ng komunidad ay kaya nilang maabot kaya hiling nito ang kooperasyon at koordianasyon ng publiko para kompleto ang sampung mga daliri sa kamay at paa wala pang sugat saan mang parte ng katawan.