Paglilinis sa hanay ng CIDG, ipinag-utos ni Gen. Marbil kay BGen. Torre

“Linisin ang CIDG”, ito ang marching order ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil kay ngayo’y Criminal Investigation and Detection Group Acting Director BGen. Nicolas Torre III.

Inatasan ni Gen. Marbil si BGen. Torre ng “full-scale internal clean-up” sa CIDG upang maibalik ang integridad at kumpiyansa rito ng publiko.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Inaasahan din ipapatupad ni Torre ang malawakang reporma, kabilang ang mas mahigpit na screening ng mga tauhan nito, training at pagsunod sa highest ethical standards ng PNP.

Naniniwala si Marbil na sa ilalim ng pamumuno ni Torre,
makikita ng publiko ng mas epektibong CIDG na magsisilbi nang may dangal at integridad.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ang kautusan ay bahagi ng mas malawak na institutional reform sa PNP na nakatuon sa pagpapalakas ng imbestigasyon, mas mabilis na paglutas ng mga kaso at trabnsparency sa organisasyon.