Sen. Cayetano – umaasang maayos na ang representasyon ng EMBO barangays sa 2025 election

Binigyang-diin ni Senador Alan Cayetano na karapatan ng bawat EMBO barangays na magkaroon ng representative at makaboto ng kanilang piling kinatawan.

Kasunod nito, nanawagan siya sa mga kapwa niya kasamahan sa Senado at sa Commission on Elections na resolbahin na ang isyu sa representasyon ng EMBO barangay na bahagi na ngayon ng Taguig.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Matatandaan, kamakailan ay naghain ng concurrent resolution si Cayetano rito bilang paghahanda para sa Eleksyon 2025.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Bilang tugon, sa naging Kapihan ngayong araw, binanggit ni COMELEC, Chairman, George Garcia na ilalabas nila ngayon ang kanilang desisyon hinggil dito kung sapat na ba ito o kailangan pa ng batas para rito.