Dating senadora de Lima – planong isama si Senador Bato sa mga kakasuhan

Napabilang na si Senador Bato Dela Rosa sa mga tinitingnang sampahan ng kaso ng kampo ni dating senadora Leila De Lima.

Ito ay kasunod ng naging pasabog ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa pagdinig ng House Quad Comm na ang taong nag-utos sa kanya para idiin si De Lima sa usapin ng ilegal na droga ay walang iba kung ‘di si Dela Rosa.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell
Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Ayon kay De Lima, ang pagsasampa ng kaso laban sa senador ay bahagi na sa pinag-aaralan ng kanyang mga abogado.

Sa ngayon, ang malinaw pa lang umanong maaaring i-file ay perjury at subornation of perjury.