Natapos na ng Philippine Coast Guard ang paglilinis at recovery operations sa mga langis na tumagas mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Sa final inspection mula sa remotely operated vehicles o (ROVs), nakitang wala nang laman ang walong cargo oil tanks sa lumubog na barko.
Sa briefing ng third party na Malayan Towage and Salvage Corp. (MSTC), nakitang wala nang bakas ng langis ang operational tank ng barko.
Sa ngayon, mayroon na lang umanong mga oil drips mula sa cargo piping line, at tinatapos na lang ang containment operations.

Samantala, sinabi naman ni PCG spokesperson Rear Adm. Armand Balilo na nasa 95% na rin ang oil spill cleanup efforts sa mga apektadong shoreline.
Nagsimula ang oil removal/recovery operations noong May 29, matapos lumubog ang barkong may kargang 900,000 litro ng industrial fuel oul noong February 28. //LGD, edited MHEL PACIA