CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Coast Guard na nananatiling mapanganib pa rin ang paglalayag sa karagatan ng Camarines Norte lalo na ng mga maliliit na bangka.
Batay ito sa bagong Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station.
Asahan pa rin kasi ang strong to gale force winds dahil sa Northeast Monsoon.
Magiging maalon hanggang sa napakaalon ang kundisyon ng karagatan mula sa 9. 1 hanggang 14. 7 feet.
Sa ilalim ng umiiral na circular hindi dapat maglayag ang mga bangkang 250 gross tons pababa kapag ganito ang kundisyon ng karagatan.
Bukod dito ay nanatili rin ang banta ng bagyong Odette kahit pa hindi direktang may epekto sa rehiyon.
Nasa ilalim ngayon ng Tropical Cyclone Warning Signal No 1 ang Camarines Norte.
Sa ngayon ay dalawang linggo nang hindi makapalaot ang karamihan sa mga mangingisda sa lalawigan.
Ang epekto, tumaas ang presyo ng isda sa Mercedes fish port kung saan naman nangagaling ang suplay na dinadalasa mga palengke.
