CAMARINES NORTE- Lifted ang curfew sa lalawigan ng Camarines Norte sa araw ng Pasko at bagong taon
Batay sa ipinalabas na advisory ng Provincial Incident Management Team na may petsang December 14, 2021, walang curfew na ipapatupad sa mga petsang December 24 25 at 31 at petsa a- 1 ng buwan ng Enero upang bigyang daan ang pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon
Bukod dito, Mas pinaikli pa sa tatlong oras ang curfew sa lalawigan ng Camarines Norte simula ngayong araw December 16, 2021 bilang suporta sa programa ng DOH na ligtas Christmas para sa healthy pilipinas 2021.
Ang bagong oras ng curfew ay ipapatupad simula alas 12 ng hatinggabi hanggang alas tres ng madaling araw
Kalakip din sa ipinalabas na advisory ang patuloy na paghihigpit sa ipinapatuad na DOH minimum public health stadards para sa mas ligtas na pagdiriwang ng holiday season
Habang pinapagiwas at pinagingat rin ang alahat sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon upang maiwasan ang aksidente
