Paglagda sa veteran disability pension hike, wi-nelcome ni Jinggoy

Wi-nelcome ni Senate Committee on National Defense, Senator Jinggoy Estrada ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa RA No. 11958 o “An Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Veterans and their dependents”.

Ayon kay Estrada, isa itong “significant milestone” sa pagkilala sa naging kabayanihan at dedikasyong ipinakita ng mga military veterans.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Dagdag pa niya, hindi lang ito basta halaga ng pera na nadadagdag sa disability pension, dahil malaki ang naitutulong nito sa pagbibigay ng maginhawang buhay sa military veteran at pamilya nito.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Kung maalala, sa ilalim ng bagong batas, ang dating pinakamataas na disability benefit na P1,700 ay magiging P10,000 na.