Matagumpay na naipaabot ni Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang tatlumpung handheld ticketing devices kay Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce para sa implementasyon ng single ticketing system (STS).
Maliban pa roon, itinurn-over na rin ng MMDA ang server, server rack, UPS, work stations, printers, software at animnapung pirasong SIM cards.

Kung maalala, nitong ikalawang linggo ng Agosto ay nagsagawa na rin ng turnover sa lungsod ng San Juan, Caloocan, Valenzuela, Muntinlupa at Parañaque ang MMDA upang maisakatuparan ang full implementation ng NCR single ticketing system sa buong National Capital Region (NCR).