Paglagay sa Masbate bilang ‘election hotspot’ hiniling ng isang Kongresista

SORSOGON CITY – Hiniling sa PNP ng Kongresista ng Unang Distrito ng Masbate na si Narciso ‘Bong’ Bravo Jr. na ilagay ang lalawigan sa ‘election hotspot,’ ito ay matapos ang nangyaring masaker sa bayan ng Balud, Masbate.

Nanawagan din ito ng malalimang imbestigasyon para sa agarang pagkakilanlan ng mga suspek.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Naniniwala din ang Kongresista na ‘politically motivated’ ang dahilan sa krimen dahil ang mga biktima ay mga tagasuporta ng alkalde ng nasabing bayan.

Aniya pa, mga Private Armed Group (PAGs) umano ang mga salarin na ginagamit ng ilang politiko.

Kung babalikan, nasawi ang mga empleyado ng LGU na sina Reynand Navea Villarosa, 34-anyos, binata at Lyn Canones Rubio, may asawa parehong naninirahan sa Brgy Pulanduta habang sugatan naman sina Sonny Ortega Aceron, 24-anyos, binata at ang sibilyan na si Randy Tanes Rubio, 47-anyos, may asawa, kapwa residente ng Brgy Dao.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Naganap ang krimen, gabi noong Disyembre 31 habang nagkakasiyahan sa isang tindahan ang mga biktima.

Si Cong. Bravo ay Chairman ng House Committee on Public Order and Safety at co-author ng Anti-Terrorism Law.