Pagkuha ng DOT accreditation ngayong pandemya, libre na-DOT RO2

Wala na umanong babayaran ang mga pribadong indibidwal na mayroong na-develop na tourist attraction sa pagkuha ng accreditation sa Department of Tourism Region 2 ngayong may pandemya.

Ito ang kinumpirma ni DOT Regional Director Fanibeth Domingo sa ika-40 na episode ng UP-UP Cagayan Valley.

Hinikayat nito ang mga negosyanteng mayroon ng Mayor’s Permit at tumatanggap na ng mga paying guest sa kanilang mga na-develop na tourist spot na maaring kumuha ng DOT accreditation ng walang bayad.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Bukod dito ay libre rin umano ang isasagawang training at promotion ng ahensya.

Ngunit paliwanag nito wala na sa DOT ang jurisdiction ng mga private tourist destinations gaya ng mga garden at resorts kundi nasa Local Government Unit.

Samantala, nagsasagawa rin ng pagsasanay ang ahensya sa mga tourist guide kung saan ilan sa mga ito former rebels.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Ayon pa kay RD Domingo, inaasahan ng ahensya na makakabawi na ang tourism industry sa rehiyon hanggang sa susunod na taon dahil maraming mga tourist destination na umano ang bukas sa publiko kasabay ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 at pagdami ng nababakunahang indibidwal.

Batay sa datos ng DOT Region 2, umabot sa 5 billion pesos ang halaga ng nalugi sa industriya ng turismo noong 2019.