Memoranda kaugnay sa kanselasyon ng kandidatura ni Marcos, pinapapasa ng COMELEC

Inutos ng Commission on Elections sa mga petisyuners at sa kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magsumite ng kani-kanilang meoranda upang magpatuloy sa resolusyon ng petisyon na naglalayon na mapakansela ang kandidatura ni Marcos sa 2022 elections.

Sinabi sa kautusan ng Comelec Second Division na may petsang December 13 na binibigyan nito ng limang araw ang magkabilang kampo mula sa petsa ng kanilang pagkakatanggap ng kautusan upang maghain ng kanilang Memoranda na alinsunod sa COMELEC Resolution No. 10673.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Dagdag ng kautusan, makokonsidera bilang submitted for resolution ang kaso oras na mag-lapse ang ibinigay na panahon.

Inutos ito ng Comelec matapos nitong tanggihan ang request ng petisyuners para ipa-subpoena ang Certified True Copy ng Tax Compliance Verification Records ni Marcos at pati na rin ng Certified True Copies ng Assessment Notices, at Demand Letter na inisyu ng Bureau of Internal Revenue na konektado sa unpaid estate taxes ni Marcos.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Ibinasura rin ng Comelec ang prayer ng kampo ni Marcos para dinigin ang kaso ng face-to-face.