NCRPO – bubuo na ng grupo para tugisin sina ex-BuCor chief Bantag at Zulueta

Bubuo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng isang grupo na nakatutok sa paghahanap at pag-aresto kina dating Bureau of Corrections director general Gerald Bantag, at sa kaniyang dating deputy na si SJO2 Ricardo Zulueta.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon sa NCRPO, ang naturang team ay tututok sa pagta-track at pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa dalawa na sinasabing nasa likod ng pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Kung maaalala, kahapon nang ipag-utos ni Interior Sec. Benhur Abalos ang pagpapaigting pa sa manhunt operations laban kina Bantag at Zulueta.
#