Pagkilala at pag-uwi ng asian games gold medalist Annie Ramirez, pinaghahandaan sa Camarines Sur

NAGA CITY- Inihahanda na ng Lokal na Pamahalaan ng Pamplona, Camarines Sur ang pagkilala sa Bicolanang Asian Games Gold Medalist Annie Ramirez.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni San Isidro Punong Barangay Dennis Tarusanan. Aniya nagpaabot na rin ng pagbati si Camarines Sur 2nd District Representative LRay Villafuerte at ang unang mga naging proud ang mga magulang na sina Lorenzo at Rosario.

2019, 2022  at Mayo 2023 nasungkit din ni Annie ang gintong medalya sa jiu jitsu sa SEA Games. Ayon kay Tarusanan dating boksingero ang ama ng gold medalist, mga atleta rin ang mga kapatid nito.

Patuloy na hinuhubog ang mga kakayahan ng mga taga San Isidro lalo na ito ang ideneklarang Sports Capital sa nasabing bayan dahil sa pag-angat sa pang rehiyon man o pambansang mga palaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *