Pagkalunod-patay ng isang 4Ps beneficiary , wake-up call ayon sa isang alkalde sa Camarines sur

NAGA CITY- Wake up call sa  lahat lalo na sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang pagkalunod-patay ng isang Pantawid Pamilyang Filipino Program (4Ps) beneficiary ayon sa alkalde ng Libmanan, Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Jess Camara sinabi nitong nasa Sipocot,  Camarines Sur ang depository bank ng 4Ps kaya doon ang proseso, pero may Landbank naman sa kanilang bayan.

Isolated man ang nangyari ayon sa DSWD, sinabi ni Camara na kinakausap niya na ang DSWD- Bicol upang mapagaan ang pagbibigay ng anumang mga ayuda. Pati ang pagbibigay ng financial assistance sa senior citizen mas mainam aniya kung hindi na babiyahe pa ng malayo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinabi pa ng opisyal na kung kailangang magdagdag ng mga personahe tutulong sila dahil batid nilang kakaunti ang tao ng ahensya para sa populasyon ng Libmanan na siyang pinakamalaking bayan sa Camarines Sur na may 75 barangays.

Ang bayan ay may coastal area, riverside, upland at geographically isolated depressed area at hindi aniya ito madali para sa mga social workers.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Mababatid na sinubukang isalba ng isang padre de pamilya ang nahulog sa ilog na envelope laman ang cash card, panunumpa at ID noong nagdaang Nov. 17 pero siya ang hindi nakaligtas.

Sa isang panayam kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na ang cash card ay napapalitan, ang cash assistance naman ay hindi dapat na pagbuwisan ng buhay.

Nagpadala na ng tulong ang LGU at ang DSWD Regional Office 5.