Lalaking may kasong attempted homicide, arestado sa Laguna

CAMARINES NORTE- Arestado sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng pinagsanib pwersa ng mga kapulisan ang isang lalaking  may kinakaharap na kaso sa bayan ng Daet na nagtatago sa Brgy San Mateo, San Pablo City Laguna.

Kinilala itong si alyas Ken, 20 anyos, isang tindero at residente ng Purok 1, Brgy Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Read More:  409 more cops deployed in Bacolod as security for MassKara Festival tightens

Si Ken ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Attempted Homicide na ipinalabas ni Hon Judge Ruby Charina O Balmes ng Municipal Trial Court Branch 2 noong April 26, 2022

Read More:  Active police officer, former soldier arrested in Pangasinan gun sale

Nagrekomenda ang korte ng nagkakahalagang Php36,000.00 na pyansan para sa pansamantalang kalayaan nito

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng  Daet MPS ang nasabing akusado upang kaharapin ang kasong nakaatang laban sa kanya.