LEGAZPI CITY – Inanunsyo ng Albay Provincial Health Office (PHO) na magsasagawa ang kanilang opusina ng libreng human papillomavirus (HPV) DNA testing o cervical cancer screening sa bayan ng Daraga, Albay para sa mga babaeng may edad 30-49 taong gulang.
Batay sa impormasyong inilabas ng naturang tanggapan, ang mga babaeng kwalipikadong makakapag-avail ng nasabing testing ay yaong walang anumang sexual contact sa loob ng tatlong araw, walang cervical cancer, menstruation/bleeding sa loob ng limang araw at yaong hindi nagkaroon ng hysterectonomy.
Dagdag pa nito, hindi pahihintulutang mag-avail ang mga buntis. Isasagawa ang nasabing aktibidad sa darating na December 2 sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanggali sa RHU ng nasabing bayan.
Ayon sa PHO, ang pagsasagawa ng testing ay isa umanong hakbang upang maiwasan ang cervical cancer sa mga kababaihan.