Pagkakaroon ng insurance ng mga pananim, panawagan ng Goa Municipal Agriculture Office 

CAMARINES SUR – Nagpapatuloy ngayon ang panawagan at paghihikayat  ng Municipal Agriculture Office ng bayan ng Goa, Camarines Sur sa mga nagsisimula nang magtanim na huwag kalilimutang iparehistro at ipa-insured ang kanilang mga pananim.  

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Agriculturist Rosemarie Pacao, sinabi nitong libre ang pagpa-insured ng mga pananim sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa  Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA). Aniya’y bagaman hindi pa gaanong ramdam ng ilang magsasaka ang matinding epekto ng tag-init sa nasabing bayan, tinitiyak ng pagkakaroon ng insurance ng isang pananim na mabibigyan ng ayuda ang isang magsasaka sakaling tamaan ng anumang banta tulad na lamang ng matinding tagtuyo, bagyo, at iba pa. 

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution
Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Paglilinaw naman ng opisina na hindi lamang eksklusibo ang nasabing programa sa mga magsasakang nagtatanim ng palay kun’di pati na rin sa mga nagtatanim ng mais,  gulay at iba pang agricultural products.