Natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong iba pang suspek sa panghoholdap sa isang karenderya sa Barangay San jose sa Puerto Princesa noong gabi ng Miyerkoles.
Ayon kayLt. Col. Mark Allen Palacio, tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office, mga taga- Quezon Palawan ang mga nakilalang suspek na patuloy na iniimbestigahan.
Panghoholdap umano ang pinaka- motibo nito sa karenderya noong gabing iyon kung saan tatlo sa kanila ang armado ng baril habang ang namatay na si Telesforo Hermoso Jr. ay kutsilyo lamang ang dala.
Gayunpaman, sa ngayon ay hindi pa iniaalis ng mga imbestigador ang ibang anggulo sa krimen maliban sa panghoholdap.