Pagkain na “Pansit Vakla” patok sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI-Patok ngayon sa Guinobatan, Albay ang pinakabagong menu ng isang kainan, ang Pansit Vakla o Rainbow Pasta na may sahog na summer sausage.

Ayon kay Jay Oarde, may ari ng nasabing restaurant, ang kulay kasi umano ng pansit ay kulay ng bandila ng LGBTQ.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Aniya, nabuo ang pansit vakla dalawang taon na ang nakakaraan dahil sa empleyado nitong miembro ng LGBTQ na nagdiwang ng kaarawan at ito umano ang naisipang bilang sorpresa nila sa empleyado.

Gamit ang iba pang putahe tulad ng sikat na longganisa de Guinobatan, nabuo ang pansit Vakla.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Masaya naman nitong ibinahagi na simula ng i-offer nila ito, marami ang tumangkilik.

Dagdag pa niya, bagay na bagay itong baon ng mga magpi-piknik o kaya pupunta ng dagat at mga pasyalan.