Pagkaganid o madaling nasisilaw sa pera, isa sa dahilan kaya marami pa rin ang na-iiskam – Camarines Sur at Naga PNP Anti-Cyber Crime Unit

NAGA CITY – Hindi pa man nangangalahati ang taon, tukoy na ng Camarines Sur at Naga PNP Anti-Cyber Crime Unit na tumaas ang bilang ng mga na-iiskam lalo na sa Camarines Sur na nasa 31 na ang nabibiktima at 11 ang filed case ngayong 2023.

Kung saan isa ang pagkaganid o madaling nasisilaw sa pera ang nagiging dahilan kaya marami pa rin ang na-iiskam o naloloko ngayon.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PCPT Angelo Babagay, Head ng Camarines Sur at Naga PNP Anti-Cyber Crime Unit.

Tuloy ang kanilang mga information dissemination hindi lamang sa mga barangay maging sa mga paaralan, kaya lamang minsan binabalewala ng ilan saka nakakapagtanto kapag nabibiktima na, ang iba naman ay may alam ngunit nagpapadala pa rin sa pagkasilaw at agad namang naniniwala.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Iba-iba pa ang ginagawang pangmomodus ng mga scammer, dahil hindi lamang sa mga online transaction, o crypto currency maging sa mga online selling, lalo na kung may mga endorsement pa at mga ipinapakitang sila ay kumikita na basta’t mag-invest lamang.

Kaya payo ng opisyal na huwag magpadala sa bugso ng damdamin at huwag basta-bastang magtiwala, sa mga online selling naman siguraduhing legit pa rin ang pinag-orderan.