464 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa unang araw ng 2023

Nakapagtala ng 464 na bagong kaso ng COVID-19  sa unang araw ng 2023

ang Department of Health.

Ayon sa DOH, ito ang pinakamababang single-day tally sa loob ng apat na araw at ang ika-10 sunod na araw ng mas kaunti sa 1,000 bagong kaso.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga aktibong kaso sa 13,061 , ito ang pinakamababang bilang sa halos anim na buwan, mula noong 13,021 na aktibong kaso noong Hulyo 9, 2022.

Mayroon naman kabuuang 4,064,779  ang COVID-19 caseload ng Pilipinas.

Ang kabuuang recoveries ay tumaas ng 760 na may kabuuang 3,986,321, habang ang mga namatay ay tumaas ng 12 na may kabuuang bilang na 65,397.//CA