Binigyang-diin ni Senate Committee on Foreign Affairs, Chairperson, Senadora Imee Marcos na mahalagang mapaghandaan ng Pilipinas ang posibleng maging epekto ng presidential election sa United States sa darating na Martes.
Sa nasabing eleksyon, magtatapat sa pagka-presidente sina Kamala Harris at Donald Trump.
Ayon kay Marcos, maaring magresulta ng biglaang pagbabago sa US policy ang magiging kalalabasan ng eleksyon.
Kasunod nito, posible umanong maiba ang polisiya sa immigration, investment at defense.
Anya, kung sakaling maiba ang polisiya sa immigration ay hindi malayong umabot sa libong undocumented na Pilipino ang ma-deport.