Paggunita ng Undas huwag gawing katatakutan ayon sa Simbahang Katolika

NAGA CITY- Nakagawian nang mga nakakatakot nakwento at mga costumes ang uso kapag ginugunita ang Undas, subalit hindi ito ang tunay na mensahe.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Caceres Commission on Communication Head Fr. Louie Occiano, sinabing ito ay bunga ng komersyo. Marami ang nagbebenta ng costumes at mga disensyo. Nawawala aniya ang tunay na espiritu ng okasyon.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Una nang sinabi ni Father Wilmer Tria, Parish Priest ng Saint Raphael the Archangel Parish Church sa Pili, ang “Hallow” ay banal at ang “een” ay gabi- banal na gabi bilang paghahanda araw ng mga santo o Nobyembre 1. Kung kayat ang dapat na alalahin o bigyan ng pansin ay ang mga santo, hindi ang mga aswang, multo, zombie at iba pang nakakatakot na karakter.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ang All Souls Day naman November 2 ay pag-aalay ng panalangin sa mga namayapa na.

Kaugnay nito sinabi ni Occiano na upang maipabatid ang kaluhugan, nagkakaroon ng mga programa ang simbahan sa pagkilala sa mga Sato , sa halip na may Halloween Party ay may “Wear your Saints” Online Contest para sa mga bata edad 3-12 –anyos.