Paggunita ng Eid Al-Adha sa Legazpi City, naging mapayapa

LEGAZPI CITY – Naging mapayapa ang paggunita ng Eíd al-Adhá (Feast of Sacrifice) ng Muslim Community sa lungsod ng Legazpi kahapon, kasunod ng pagsagawa ng visitation ng Legazpi City Police Station para maayos na maipagdiwang ng ilang mga muslim ang nasabing espesyal na araw.

Umaasa naman ang Police Regional Office 5 (PRO5) Bicol na ito’y magdadala ng kapayapaan, pagkakaisa, at biyaya sa mga tahanan at pamayanan ng bawat isa.

Una na ring nagpasalamat ang United Muslim Community sa Bicol na wala umanong nararanasang diskriminasyon ang kanilang komunidad mula sa mga Albayano.

Rramdam din umano nila ang respeto ng mga kapwa-Bicolano lalo na sa oras ng kanilang mahahalagang okasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *