Mga pasyenteng may special medical needs, isa sa mga prayoridad oras na matapos ang tinatayong 10-storey Bicol Legacy Hospital sa Albay

LEGAZPI CITY – Kabilang sa mga prayoridad oras na matapos na angf kasalukuyang itinatayong 10-storey legacy building sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa Albay ay ang matulungan ang mga pasyenteng may special medical needs mula pa sa mga malalayong rehiyon.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol, sa oras na matapos na ang nasabing ospital, ang mga pasyenteng mula sa rehiyon ay hindi na kinakailangang pumunta pa sa Metro Manila para lang makapagpagamot.

Una na ring inihayag na target ng ahensya na matapos ang pagpapatayo nito sa taong 2027.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *