Good governance, isa sa mga kailangang maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan – Civic Society Organization sa Naga

NAGA CITY – Naniniwala ang isang civic society organization sa Naga City na kailangang lubos na maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang pinakakahulugan ng good governance.

Sa isinagawang multisectoral consultation meeting noong Sabado, binigyang diin ni Alberto Bercasio, head ng Movement for Good Governance – Bikol ang malaking kahalagahan ng pagkakaroon ng good governance lalo na sa mga lokal na pamahalaan. Sa lungsod ng Naga, naobserbahan ng ilang sektor na karamihan sa mga ordinaryong mamamayan ang hindi gaanong naiintindihan ang pinakakahulugan ng mabuti at maayos na pamamahala.  Sa kanilang obserbasyon, basta’t may nakikitang proyekto at programa galing sa pamahalaan, maituturing na itong good governance kung kaya’t kailangang maipaintindi sa kanila ang tunay na kahulugan nito nang sa gayon ay mas mamulat sila sa totoong nangyayari sa kanilang lugar.

Sa mga nagdaang buwan at hanggang sa kasalukuyan, mainit na pinag-uusapan sa lungsod ang transparency ng LGU Naga. Matatandaan na nagsimula ang mga usapin nang lumabas ang ilang pahinang isinulat ni former VP Atty. Leni Robredo tungkol sa mga isyu ng umano’y iregularidad sa ilang opisina sa City Hall.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *