Patuloy ang pagsasaliksik ng Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) para makagawa ng mga produkto mula sa okra dahil sa sobrang suplay nito sa bansa.
Ayon sa DOST-ITDI, isa sa kanilang pinag-aaralan ngayon ay ang paggawa ng okra toothpaste.
Ang toothpaste ay gawa sa fluid o laway ng okra na hinaluan ng calamansi seed oil na may whitening property.
Maliban dito ay pinag-aaralan rin ang paggawa ng banana milk tea na hahaluan ng okra bilang stabilizer.
Ayon sa research, taglay ng okra ang ‘hydrocolloids’, isang uri ng natural preservatives sa mga pagkain.
Kaugnay nito ay hinihikayat ng DOST ang mga okra producers na gawing kapaki-pakinabang ang kanilang mga produkto.
Para sa kaalaman ng lahat, ang okra ay isang prutas, hindi isa uri ng gulay, ayon sa agham.