Paggamit ni PBBM ng Presidential chopper sa panunuod ng concert, dinipensahan ng PSG

Nagpaliwanag ang Presidential Security Group o PSG hinggil sa pag gamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Presidential chopper sa panunuod nito ng concert.

Sa statement ng PSG Commander na si MGen. Nelson Morales, nakasaad na potential threat sa Pangulo ang sitwasyon ng trapiko noong Byernes ng gabi.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Anya ang kanilang desisyon ay hindi lang tinitiyak ang kaligtasan ng Pangulo, kundi nagpapakita rin ng kanilang commitment at dedikasyon sa pagbibigay prayoridad sa seguridad sa harap ng mga hindi inaasahang hamon.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Nabatid na hati ang reaksyon ng publiko sa pag gamit ng Pangulo ng presidential chopper sa panonood ng concert.