City Engineerings Office pinagpapaliwanag sa paggamit ng government vehicle sa pagkabit ng campaign poster-Mayor Rosal

LEGAZPI CITY – Pinagpapaliwanag ngayon ang Legazpi City Engineering’s Office matapos mamataan nang ilang residente na ginagamit umano ang government vehicle sa pagpaskil ng campaign poster.

Ayon kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, matapos ulanin ng pambabatikos sa Social Media dahil sa nagkalat na larawan ng aktwal na paglalagay ng campaign material gamit ang nasabing sasakyan, hinihingi nito ang paliwanag ni Engineer Clemente Ibo, head ng nasabing tanggapan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nanindigan si Rosal na kailanman ay hindi ito gumagamit ng government vehicle para maglagay ng campaign materials o maging sa pangangampanya.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa ngayon wala pang kasagutan si Engineer Ibo tungkol sa isyu.