Nanindigan ang US Centers for Disease Control and Prevention sa kanilang guidance na dapat magsuot ng facemask ang mga public K-12 schools dahil sa patuloy na mataas na bilang ng COVID-19 cases.
Sinabi ni CDC Director Dr. Rochelle Walensky na hindi nagbabago ang kanilang guidance na patuloy na i-endorso ang universal masking sa mga eskuwelahan.

Ayon kay Walensky, optimistiko siyang bababa ang bilang ng mga kaso sa kanilang bansa pero sa ngayon ay wala pa doon ang sitwasyon ng mga kaso.
Giit ni Walensky na bagamat bumaba na mula sa record highs ang mga naitatalang kaso sa America at nananatili pa rin na nasa 290,000 pa rin ang mga COVID-19 cases araw-araw.
Una nang inihayag ng mga opisyal sa New Jersey, Connecticur, Delaware, California at Oregon na plano na nilang alisin ang indoor mask mandates sa mga eskuwelahan at ilang public places sa mga susunod na linggo