CAMARINES NORTE- Dagdag na pasakit kung ituring ng mga motorista at ng ilang driver ng pampublikong sasakyan ang panibago na namang pagtaas ng mga produktong petrolyo na ipinatupad nitong Martes, February 8.
Dahil dito naglalaro na ngayon sa P55- P60 ang kada litro ng diesel at P66- 68 naman sa kada litro ng gasolina sa iba’t- ibang gasolinahan sa lalawigan.
Sa Shell Mancruz nasa P56. 49 kada litro ang presyo ng Fuel Save diesel, P60. 49 sa V Power diesel, P67. 04 sa Fuel Save gasoline at P68. 04 sa V Poer gasoline.
Sa Caltex P55. 50 sa diesel, P66. 05 sa Silver gasoline habang P66. 55 naman sa Platinum.
Sa katabi nitong Seaoil, nasa P56. 75 sa Exceed diesel, P66. 05 sa Extreme U at P66. 55 sa Extreme 95.
Sa Ptt nasa P55. 50 sa BlueDiesel, P 66. 05 sa Blue Gasoline 93+ at P66. 55 sa Blue Gasoline 95+.
Sa Petron Centro, P55. 50 sa Diesel Max, P66. 05 sa Xtra advance at P66. 55 sa XCS plus.
Sa Phoenix petroleum nasa P55. 50 sa diesel, P66. 05 sa Super unleaded at P66. 55 naman sa Premium.
Ito na ang ika- anim sunod na pagtaas ng presyo ng langis mula nang pumasok ang Enero.
