Pagdiriwang ng ‘consumer welfare month’ umarangkada na rin sa lalawigan ng Catanduanes

BNFM BICOL—Umarangkada na rin sa islang lalawigan ng Catanduanes ang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month ngayong buwan ng Oktubre.

Sa isang panayam, inihayag ni DTI-Catanduanes Provincial Director Ma. Belma Escueta na ang layunin sa pagdiriwang ng nasabing aktibidad ngayong taon, ay upang mapalakas at mapalawak ang kaalaman ng mga consumers, hinggil sa pag ‘navigate’ sa digital world ngayong namumuhay ang lahat sa tinatawag na ‘new normal’ dahil sa pandemya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa ilalim ng temang “Digital Consumers: The New Normal”, inaanyayahan ng DTI ang mga Catandunganon na makiisa at makilahok sa mga isasagawang aktibidad kaugnay ng naturang selebrasyon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kabilang dito ang Consumer Welfare Month Zoomba; Diskwento para sa Mamimiling Bicolano; Ugnayan sa Radyo, Refresher Seminar and Updates on Fair Trade Laws; Photo Contest, Destruction and Disposition of Violative (Uncertified) Products; at ang Spoken Word Poetry Competition.###